Mga Empleyado ng RTU, Sumailalim sa ISO Awareness Seminar

Noong ika-13 hanggang ika-22 ng Agosto taon 2024, ang mga empleyado ng Rizal Technological University (RTU) ay sumailalim sa ISO Awareness Seminar. Ang nasabing seminar ay ginanap sa SNAGAH Penthouse na kung saan dinaluhan ng mga empleyado ayon sa kani-kanilang kalipunan. Layunin ng seminar ang matutunan ang tungkol sa ISO 21001:2018, isang internasyonal na pamantayan na nagsasaad ng mga kinakailangan para sa mga sistema ng pamamahala ng isang organisasyon pang-edukasyon. 

Sa tatlong araw na pagsasanay, nakatanggap ang mga empleyado ng komprehensibong kaalaman tungkol sa ISO 21001:2018. Kabilang sa mga tinalakay ay ang paglikha at pagpapaunlad ng mga Standard Operating Procedures (SOPs) na naaayon sa kanilang mga dibisyon. Ang pamantayang ito ay dinisenyo upang tulungan ang mga organisasyong pang-edukasyon na mapabuti ang kanilang pagiging epektibo at kahusayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng estruktura para sa pamamahala ng kanilang mga gawain at proseso.

Ang ganitong uri ng seminar ay nagbibigay diin sa pagiging bukas ng RTU sa kanilang mga proseso. Ipinapakita rin nito ang dedikasyon ng unibersidad sa pagpapayabong ng kaalaman at  pagbibigay unawa sa sistema at pamantayan ng kanilang sinusunod sa mga empleyado na isang ring mahalagang komponent sa pagpapatakbo ng institusyon.