The University 53rd Commencement Exercises a Celebration of Empowerment, Innovation and Transformation

Mabuhay ka, RTUian!

The University 53rd Commencement Exercises a Celebration of Empowerment, Innovation and Transformation

Graduation is a celebration of achievement. Marching to the tune of “Pomp and Circumstance” graduation processional march, brings a lasting impact that virtually becomes a landmark memory in every graduate’s timeline. A culmination of everything one had put into to gain access to a bright future. 

The 53rd Commencement Exercises’ theme, “Empowering Generations of Tomorrow,” revolves around RTU’s existence as an instrument of honing the youth and preparing them to become society’s development reserves, enriching their success and creating a legacy that transcends generations.

Ang pagtatapos ay pagsisimula. Isang daan tungo sa bagong mundong taimtim na inaasam na marating at makamit. Ang rurok ng tagumpay ay matatamo ng mga matitibay ang loob, may mahigpit na paniniwala  sa sariling kakayahan, matatag ang determinasyon, may natatanging tapang at kaalaman na sa bawat hampas ng alon ng buhay ay laging may pag-asang nakatunghay, na ang masalimuot ay mayroong katapat na kapayapaan, na ang kahirapan ay may kaakibat na kaginhawaan. 

Sa dalawang araw na kaganapan ng seremonya ng pagtatapos, mahalagang namnamin at isapuso ang mga mensaheng ipinararating ng mga pinagpipitagang panauhing tagapagsalita. Nakakataba ng puso ang mga ibinahagi nilang kaalaman at mga aral ng buhay. Makabuluhang  gunitain upang maging inspirasyon at pangunahing gabay sa paglalakbay, at isasa isip na sa bawat natamong tagumpay sa  kahit anumang larangan, laging kaakibat ang malaking responsibilidad at pananagutan, lalo’t higit ito ang nagpapatibay sa pundasyon ng pagiging isang propesyonal.  

Ang Pamantasang Teknolohikal ng Rizal ay nalulugod at lubos na nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi nang kanyang pakikibaka upang matugunan ng tama at maayos at mabigyan ng kaukulang pagpapatnubay ang mga mag aaral sa mga taon na ginugol nila sa loob ng apat na sulok ng pamantasan hanggang sa mga sandaling ito ng kanilang pagtatapos. 

Mula sa kupunan ng mga opisyales ng unibersidad,  sa mga may mabuting kalooban na nasa pribadong bahagi ng lipunan, mga kagawaran ng gobyerno na nagbahagi at nagbigay ng pagkakataon upang maging iskolar ng bayan ang mga magsisipagtapos, sa mga guro, mga lider na mag aaral, mga isponsor, tagapagtustos hanggang sa mga kasosyong kumpanya ng pamantasan, isang taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagsasakatuparan nitong makabuluhan at dakilang ika-53 araw ng pagtatapos.

Higit sa lahat, sa mga magulang na kailanma’y hindi isinaalang-alang  ang suporta  at pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak dahilan upang marating at matamo ang bunga ng kanilang mga pagpupunyagi, isang dalisay at tapat na pasasalamat sa pagbibigay ninyo ng pagkakataon na ipagkatiwala  sa RTU ang paghubog, paglinang at paghahanda sa inyong mga anak tungo sa kanilang kinabukasan. Walang hanggang pasasalamat sa inyong pagiging mabuting katuwang at kabalikat!

At sa mga mag aaral, isang madamdaming pagbati at pasasalamat! Dahil sa inyo ang RTU ay nagiging matatag at maunlad, dahil sa inyo nagagampanan ng mga guro ang kanilang mga tungkulin, nagiging magaling at batikan sa larangan ng pagtuturo at paghubog ng inyong mga talento at kakayahan. Salamat din sa pagkakataong maging bahagi ang RTU sa pagkamit ninyo ng inyong karunungan. Nawa’ y pagpalain kayo at ang inyong  mga  adhikain ngayong nasa bungad na kayo ng bagong simulain sa buhay. Manatiling  “laging tapat sa ginto’t-bughaw” saan man kayo makarating at kung anuman ang inyong marating.

Maligaya at mapagpalang pagtatapos!

Congratulations, 2024 Graduates! Mabuhay ka, RTUian!