RTU Hosts Inaugural AI Summit: Piloting a New Era of Innovation in Education

Rizal Technological University (RTU) successfully launched its first-ever AI Summit, a significant event focused on shaping the future of education and innovation through Generative AI. The summit took place on August 28, 2024, at the Penthouse of RTU Mandaluyong Main Campus, attracting prominent figures from the fields of technology, education, and government.

RTU International Affairs and Linkages Office (IALO) Director, Mr. Donato Z. Estocada gave opening remarks followed by inspiring messages from Dr. Ma. Eugenia M. Yangco, University President;  Hon. Charisse Marie Abalos-Vargas, District 1 Councilor of Mandaluyong City; and Engr. Fortunato T. de la Peña, former Secretary of the Department of Science and Technology (DOST).

Key discussions on innovative AI-driven solutions for education were led by Mr. Joseph H. Baek, CEO and Founder of Techedify, and Mr. Sammuel P. Sanclaria, Techedify’s Senior Software Engineer.

Additionally, the Institute of Computer Studies spearheaded a pitch competition titled “AI Frontier: Pitch Your Vision,” which allowed participants to showcase their innovative AI-driven solutions for education.

After the awarding ceremonies, remarks were given by Dr. Lea Nisperos, Director of the RTU Institute of Computer Studies; and Ms. Sara Jane S. Cruz, Techedify’s Business Development Manager. They mentioned that more initiatives and collaborations will be launched in the future to further expand teachers’ and students’ knowledge of AI technology. They also emphasized the importance of advancing technology to improve the quality of education and broaden the skills of teachers and students alike.

Filipino Translation:

Matagumpay na inilunsad ng Rizal Technological University (RTU) ang kauna-unahang AI Summit, isang mahalagang kaganapan na nakatuon sa pagbubuo ng kinabukasan ng inobasyon sa edukasyon sa pamamagitan ng Generative AI. Ang summit ay ginanap noong Agosto 28, 2024, sa Penthouse ng RTU Mandaluyong Main Campus, at dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa larangan ng teknolohiya, edukasyon, at pamahalaan.

Nagbigay ng pambungad na mensahe si G. Donato Z. Estocada, Direktor ng RTU International Affairs and Linkages Office (IALO), na sinundan ng mga mensahe mula kina Dr. Ma. Eugenia M. Yangco, Pangulo ng Unibersidad; Kgg. Charisse Marie Abalos-Vargas, Konsehal ng Unang Distrito sa Lungsod ng Mandaluyong; at Engr. Fortunato T. de la Peña, dating Kalihim ng Department of Science and Technology (DOST).

Pinangunahan nina G. Joseph H. Baek, CEO at Founder ng Techedify, at G. Sammuel P. Sanclaria, Senior Software Engineer ng Techedify, ang mga pangunahing talakayan tungkol sa mga inobatibong solusyong pinapatakbo ng AI para sa edukasyon.

Bukod dito, ang Institute of Computer Studies ay nanguna sa isang pitch competition na pinamagatang “AI Frontier: Pitch Your Vision,” kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ipakita ang kanilang mga inobatibong solusyon na gamit ang AI para sa edukasyon.

Matapos ang awarding ceremonies, nagbigay ng talumpati sina Dr. Lea Nisperos, Direktor ng RTU Institute of Computer Studies; at Bb. Sara Jane S. Cruz, Business Development Manager ng Techedify. Ibinahagi nila ang mga paparating na inisyatiba at kolaborasyon upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga guro at estudyante sa teknolohiyang AI. Binanggit din nila ang kahalagahan ng pagsusulong ng teknolohiya upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mapalawak ang kakayahan ng mga guro at estudyante.