RTU at Techedify, Nagpulong upang Pagtibayin ang Kolaborasyon ukol sa AI

Muling pinaigting ng International Affairs and Linkages Office (IALO) ng Rizal Technological University (RTU) ang pagpapalakas ng unibersidad sa Artificial Intelligence (AI) Education sa pamamagitan ng isang produktibong pakikipagpulong kay Mr. Joseph Baek, Chief Executive Officer ng Techedify, upang pagtibayin ang pakikipagtulungan ng RTU sa Techedify para sa mga inisyatibang naglalayong bumuo ng kakayahan sa paggamit ng AI sa edukasyon.

Tumayong kinatawan ng unibersidad sina Assoc. Prof. Donato Z. Estocada, Direktor ng IALO, at Instr. Angeline Villareal, Puno ng Yunit para sa Strategic Partnerships.

Umikot ang diskusyon sa pagpapalawak ng pagtutulungan sa pagitan ng dalawang institusyon upang magbigay ng mataas na kalidad ng pagsasanay tungkol sa AI para sa mga kasaping fakultad, mag-aaral, mananaliksik, at mga opisyal ng RTU.

Binigyang diin ng dalawang institusyon ang nagkakaisang bisyon na bigyang kakayahan ang komunidad ng mga Rizaliano sa makabagong kaalamang may kaugnayan sa industriya at praktikal na kahusayan sa paggamit ng AI. Sa pamamagitan ng pinalakas na pagtutulungan, nilalayon ng RTU at Techedify na bumuo ng mga pagsasanay na magpapalakas sa mga inisyatiba ukol sa digital transformation, pagtaguyod sa AI literacy, at paghahanda sa mga magtatapos sa RTU para sa mabilis na paglago ng lakas-paggawa ng mundo.

Binigyang diin din ni Assoc. Prof. Estocada ang kahalagahan ng pagbuo ng makabuluhang pakikipagtulungan sa mga nangunguna sa industriya upang matiyak na patuloy ang pagtugon ng RTU sa mga umuusbong na pamantayang teknolohikal, kasabay ng pagbibigay ng edukasyong nakakasabay sa buong mundo. Muli rin niyang ibinahagi ang kahalagahan ng mga ganitong uri ng pakikipagtulungan upang magbigay ng oportunidad para sa pagpapalakas ng fakultad, kurikulum, at inobasyon sa pananaliksik sa larangan ng AI.

Sinasalamin ang ginanap na pagpupulong sa patuloy na pagpapalakas ng RTU sa mga inisyatibang pang-inobasyon at pang-internasyunalisasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng makabuluhang pakikipag-ugnayan na nagtutulay sa mga sektor ng edukasyon at industriya. Binibigyang suporta rin nito ang estratehikong layunin ng RTU na isama ang mga umuusbong na teknolohiya sa pagtuturo, pananaliksik, at mga programang pang-ekstensyon.

Sa patuloy na pagpapalakas ng Pandayang Rizalia sa mga ugnayan nito, muling pinagtitibay ng RTU ang pagpapayaman nito sa komunidad ng Rizaliano sa pamamagitan ng mga kakayahang handa sa hinaharap at pagpapayabong sa sistema ng inobasyon gamit ang AI.

AUGUST 2026 UPDATES (1)