RTU, Pinaigting ang Pakikipagtulungan upang Palakasin ang Pagpapaunlad sa Kakayahan, Human Resource, at Komunidad ng Paluan

Patuloy na pinala lakas ng Rizal Technological University (RTU), sa pamamagitan ng Extension and Community Services Office (ECSO), ang ugnayan nito sa Lokal na Pamahalaan ng Paluan, Occidental Mindoro at Mindoro Marine Manufacturing Corporation (MMMC) sa pamamagitan ng serye ng konsultasyon, pagpapalawak ng kapasidad, at pakikipag-ugnayan na naganap noong Ika-17 ng Agosto, 2026 na nakatuon sa skills development, human resource management, technical assistance, at sustainable community development.

Pinagsama-sama ang mga katuwang na ahensya sa planong pagpapatupad ng mga panukalang programang pang-ekstensyon na magpapaigting sa kapasidad ng Paluan LGU sa pangangasiwa ng kanilang yamang-tao at komunidad. Kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Paluan, sa pangunguna ni KGG. Michael D. Diaz, Mayor ng Munisipalidad, kasama ang kanyang mga kawani, dumalo rin sa nasabing MMMC sa pangunguna nina Bb. Rhea Jane Balasta, Bb. Sofia Angela Mae Aguilana, at Ar. Nico Lomibao. Pinangunahan naman ni Dr. Ma. Eugenia M. Yangco, Pangulo ng Unibersidad, ang mga kinatawan ng RTU, kasama sina Dr. Magno M. Quendangan, Ikalawang Pangulo para sa Pananaliksik, Inobasyon, at mga Serbisyong Pang-ekstensiyon, mga gurong ekstensyonista mula sa programang “Paluan Convention and Events Center at Paluan Public Cementery”, “RTU STRIVES: Welding Skills Training and TESDA Certification Preparation Program”, at “The PRIMER” na pinangunahan ni Dr. Rodolfo L. Ducut, Ikalawang Pangulo para sa Pananalapi at Pangangasiwa. Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kawani ng ECSO upang suriin ang mga umiiral na inisyatiba, maglahad ng mga teknikal na rekomendasyon, ayusin at pagbutihin ang mga panukalang programa, at magtakda ng mga konkretong aksyon para sa mga susunod na hakbang ng implementasyon. 

Binigyang diin ng mga kawani ang patuloy na pagsisikap ng Unibersidad na dalhin ang knowledge, technical expertise, skills, innovation, at public service nito mula sa unibersidad tungo sa mga komunidad na nakaangkla sa sinumpaan ng RTU na responsive at community-centered extension. Binigyang diin din sa naging talakayan na ang mga extension initiatives ay dapat na responsive, collaborative, sustainable, at transformative, kung saan ang tagumpay ng mga ito ay higit na nasusukat sa pangmatagalang epekto sa mga benepisyaryo at sa komunidad.

Isa sa mga pangunahing inisyatiba ng pakikipagtulungan ay ang pagpapatuloy ng welding skills training program sa tulong at suporta ng MMMC. Sa isinagawang konsultasyon, sinuri ng mga katuwang na institusyon ang training requirements, TESDA certification pathways, assessment considerations, at mga logistical arrangements na kinakailangan para sa implementasyon.

Kinumpirma ng mga partners na ang Phase 1 ng training ay isasagawa sa MMMC shipyard sa Mindoro, na magbibigay sa mga natukoy na MMMC employee-beneficiaries ng pagkakataong sumailalim sa hands-on training sa isang aktuwal na industry environment. Pangungunahan ng miyembro ng fakuldad ng RTU at mga extensyonista ang training, habang maglalaan naman ang MMMC ng kinakailangang site facilities, equipment, materials, accommodation, at iba pang logistical requirements.

Tinalakay rin ng partnership ang mga posibleng pathway tungo sa SMAW NC I at NC II certification, kabilang ang pagkilala sa prior work experience at mga umiiral nang competencies, alinsunod sa mga requirements ng nararapat na TESDA-accredited assessment center.

Bukod sa unang pangkat ng MMMC employees, inaasahang makikinabang din ang mas malawak na komunidad ng Paluan mula sa inisyatibang ito. Magsisimula ang Paluan LGU sa pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo para sa Phase 2, na bubuo ng listahan ng mga prospective trainees na maaaring magkaroon ng access sa skills development, certification, at employment opportunities.

Inilahad at tinalakay din ng RTU technical team ang mga panukalang infrastructure initiatives na naglalayong suportahan ang pangmatagalang pag-unlad ng Paluan.

Kabilang dito ang panukalang Paluan Convention and Event Center, na may tinatayang 2,000-square-meter building footprint. Inaasahang magsisilbing venue ang pasilidad para sa mga government, community, business, at iba pang aktibidad na makatutulong sa social at economic development ng munisipalidad.

Nagbigay ang konsultasyon ng pagkakataon sa RTU technical team at mga kinatawan ng LGU Paluan na suriin ang proposed design at talakayin kung paano ito maisasama at maiaangkop sa mga umiiral at planong pag-unlad sa loob ng munisipalidad.

Isa pang pangunahing bahagi ng talakayan ang Paluan Public Cemetery Site Development Plan. Sinuri ng RTU technical team at mga kinatawan ng LGU Paluan ang proposed site arrangements habang isinasaalang-alang ang aktuwal na kondisyon ng lugar.

Kasabay ng mga inisyatibang teknikal at pang-imprastraktura, ipinagpatuloy din ng RTU ang capacity-building at systems development engagement nito sa Paluan LGU, na nakatuon sa human resource management, organizational development, at institutional performance.

Nagsilbing plataporma ang pagpupulong upang mailahad ng resulta ng naunang assessment at pananaliksik ng RTU team, gayundin ang mga proposed systems at policies na maaaring makatulong sa LGU na mapalakas ang organizational structure, personnel management, learning and development, performance management, at employee recognition mechanisms nito.

Kabilang sa mga pangunahing aspetong natukoy upang lalong mapabuti ay ang organizational alignment, human resource management system stability, learning and development, digitalization, at communication and coordination.

Isa sa mga pangunahing rekomendasyon ng RTU ay ang pagpapaunlad at pagsasapinal ng Organizational Structure and Staffing Pattern (OSSP). Layunin ng panukalang OSSP na ihanay ang plantilla positions, actual office functions, staffing requirements, at personnel deployment. Binigyang diin ng RTU team na ang usapin ay hindi lamang tungkol sa bilang ng mga personnel, kundi sa pagtitiyak na ang mga empleyado ay naitatalaga sa mga posisyon at opisina kung saan maayos na nakaayon ang kanilang qualifications, responsibilities, at functions.

Isinasaalang-alang ng panukalang organizational framework ang clustering ng mga opisina batay sa kanilang functions dahil layunin ng framework na ito na magbigay ng mas malinaw na batayan para sa staffing requirements at sa kalaunan ay sa pagtukoy ng mga angkop na posisyon para sa Contract of Service (COS) at Job Order personnel.

Malaking bahagi ng engagement ang inilaan sa presentation ng apat na proposed Human Resource Management Systems na binuo ng RTU team. Ang unang sistema ay ang Merit Selection and Promotion Plan (MSP), na naglalayong institutionalize ang isang patas, transparent, competency-based, at merit-oriented na proseso para sa recruitment, selection, appointment, at promotion. Ang ikalawa ay ang Learning and Development Management System (LDMS), na gumagamit ng systematic approach sa pagtukoy, pagpaplano, pagpapatupad, at pagsusuri ng employee training at development interventions. Binibigyang-diin nito ang paggamit ng Training Needs Analysis (TNA) at ang individual, office, at organizational learning needs sa pagtukoy ng mga angkop na training interventions. Ang ikatlong sistema ay ang Strategic Performance Management System (SPMS), na naglalayong magtatag ng malinaw na mechanism para sa setting, monitoring, evaluation, at improvement ng employee at office performance. Ang ikaapat na sistema ay nakatuon sa Rewards and Recognition, na hinango mula sa RTU practices at nakaayon sa mga prinsipyo ng merit, excellence, fairness, equal opportunity, evidence-based recognition, transparency, accountability, at inclusivity. Ibinahagi rin ng RTU ang mga institutional practices na maaaring isaalang-alang at iangkop ng LGU batay sa kanilang organizational context.

Kasama rin sa pulong ang mga talakayan hinggil sa development ng policies para sa Contract of Service personnel, batay sa karanasan ng RTU sa pagtatatag ng qualification standards, position classifications, at salary-grade references para sa COS positions.

Kasabay ng mga inisyatibang ito, ipinagpatuloy ng mga partners ang mga hakbang tungo sa finalization ng Memorandum of Agreement/Memorandum of Understanding (MOA/MOU) sa pagitan ng RTU, MMMC, at LGU of Paluan. Dumaan na ang agreement sa ilang rounds ng review, kung saan tinugunan ng mga katuwang na institusyon ang mga komento at rekomendasyon para sa karagdagang processing.

Kabilang sa mga probisyon ng partnership agreement ang mga posibleng employment opportunities para sa qualified residents ng Paluan at potensyal na scholarship opportunities para sa qualified residents na nais magpursige ng engineering studies sa RTU. Gayunpaman, ang employment opportunities ay mananatiling nakabatay sa established qualifications at requirements ng MMMC.

Nagtapos ang mga pulong sa pangako na ipagpatuloy ang collaborative development at refinement ng mga proposed programs at systems.

Higit sa pagiging serye lamang ng presentations at consultations, nagsilbing collaborative platform ang pagpupulong para sa pagpapalitan ng kaalaman, institutional practices, technical expertise, at practical solutions. Ipinakikita ng ugnayang ito kung paano makatutulong ang university extension services hindi lamang sa skills development kundi pati sa pagpapalakas ng local governance, pagsuporta sa infrastructure planning, at pagpapahusay ng institutional systems.

Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng LGU Paluan at MMMC, patuloy na nagtatayo ang RTU ng mga tulay sa pagitan ng academe, government, industry, at community na lumilikha ng mga oportunidad para sa skills development at employment, nagpapalakas ng organizational capacity, nagbibigay ng technical assistance, at sumusuporta sa sustainable local development.

 

Sa huli, ipinakikita ng inisyatibang ito ang pangako ng RTU na gawing makabuluhang instrumento ng pagbabagong pangkomunidad ang extensyon—mula sa training at human resource development hanggang sa infrastructure at institutional strengthening, tungo sa paghubog ng kolaborasyon bilang konkretong aksyon para sa komunidad.