Nagsilbi bilang isang mahalagang collaborative knowledge-sharing session ang pagpupulong sa pagitan ng Commission on Population and Development – National Capital Region (CPD-NCR) at ng Rizal Technological University (RTU) upang palakasin ang ugnayan sa pagtugon sa mga hamong demograpiko, pagpapalaki nang labis ng mga oportunidad sa populasyon, at pag-ayon ng mga inisyatibong pananaliksik sa Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) 2023–2028.
Idinaos ang pagpupulong noong Agosto 4, 2025 sa Gender and Research Conference Hub ng RTU Mandaluyong Main Campus, na pinangunahan ni Dr. Magno M. Quendangan, Vice President for Research, Innovation, and Extension Services. Kasama niyang dumalo ay sina Assoc. Prof. John Eric O. Estrellado, Direktor ng Research, Development, and Innovation Office; Instr. Cheryl Lyn Ayuste, RDIO Deputy Director; Instr. Shereen Yanna Bascao-Cadileña, Direktor ng Gender and Development Office; Instr. Joel Mark Rodriguez ng Sen. Neptali Gonzales Research Center for Development Studies; Dr. Julius Meneses mula sa College of Education; at Mr. Jan Raven N. Aspacio, RDIO Research Analyst.
Mula naman sa CPD-NCR, dumalo sina Reginal Director Jackylin D. Robel; Bb. Michelle Lobino, Public Officer; Bb. Rose Ann O. Lazza, Information Officer; at Bb. Reigne Antonette S. Basa.
Ibinahagi ni Dir. Robel ang mahahalagang direksyon at layunin ng CPD-NCR, kabilang ang paglinang ng mga oportunidad mula sa kasalukuyang kalagayan ng demograpiya sa bansa at ang papel ng pananaliksik sa pagpapalakas ng mga patakaran at programang pangkaunlaran.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga posibilidad ng mas malawak na kolaborasyon upang maisama ang mga konsiderasyong demograpiko sa mga lokal at pambansang plano. Parehong kinilala ng dalawang panig na papasok na ang Pilipinas sa isang mahalagang yugto ng demographic transition na maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng mas masusing pananaliksik at pagbabahagi ng datos upang suportahan ang evidence-based policymaking.
Napagkasunduan ng CPD-NCR at RDIO na bumuo ng mas matibay na mekanismo para sa kolaborasyon, pagbabahagi ng kaalaman, at pagpapaunlad ng mga proyektong nakatuon sa kapakanan at kaunlaran ng mga komunidad sa pamamagitan ng pananaliksik.




